Nagbigay na ng pahayag si James Reid tungkol sa kumalat na 15-second video clip kasama ang ilang mga kaibigan niya, kabilang na ang dalawang babae.
Umani kasi ng pamba-bash ang Kapamilya hunk mula sa JaDine fans dahil nakukuha pa raw lumabas nitong may kasamang ibang babae gayong bukas na sa showbiz ang relasyon nila ni Nadine.
Ngunit giit ni James, “They’re all friends of mine. Nadine knows them, too. She really doesn’t mind.”
Wala rin daw nabago sa samahan nila ng ka-love team at real-life girlfriend.
“Amazing, we’re still on a high.
With everything that’s been happening, the concert tour, everything, actually, nothing really changed between us.
“I know her inside and out for three years of being good friends.
“It’s more of the feelings that changed,” pahayag niya.
Kagagaling nga lang ng dalawa mula sa Europe para sa JaDine Inlove, The World Tour In London.
Ayon kay James, “It made the world tour a lot of fun ‘cause we visited Paris, Milan, Rome.
Nakita niya rin kung gaano naging mas masaya ang mga JaDine fans sa Europe nang aminin nila ang kanilang relasyon.
Read more